Huwebes, ika-16 ng Pebrero, ipininid ang dalawang araw na International Conference on the Proposed Programme of Bagan Monuments Post-Earthquake Restoration and Preservation. Nagharap ng kani-kanilang mungkahi ang mga dalubhasa mula sa Tsina, Myanmar, Australia, Alemanya, India, Italya, Hapon, Timog Korea, Thailand at United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO), tungkol sa restorasyon ng mga pagoda sa Bagan.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Aung Ko, Ministro ng Relihiyon at Kultura ng Myanmar, ang pagkatig ng UN at mga pamahalaan at dalubhasa ng iba't ibang bansa sa gawain ng pangangalaga at restorasyon ng mga pagoda ng Myanmar pagkatapos ng lindol. Lalung-lalo na, pinasalamatan niya ang ginawang positibong ambag ng pamahalaang Tsino.
Sinabi naman ni Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar, na sa pamamagitan ng kooperasyon sa restorasyon ng mga pagoda sa Bagan, magiging mas malalim ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Noong Agosto 24, 2016, niyanig ng lindol na may lakas na 6.8 sa Richter Scale ang dakong gitna ng Myanmar. Mahigit sandaang pagoda at istatuwang Budismo sa rehiyon ng Bagan ang nasira.
Salin: Vera