Munich — Dumalo nitong Biyernes, Pebrero 17 (local time), 2017 si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa Ika-53 Munich Security Conference (MSC). Dumalo sa pulong ang mahigit 300 personaheng kinabibilangan ng mga Pangulo ng Poland at Ukraine, mga Ministrong Panlabas ng Espanya, Britanya, at Holland, at mga eksperto at iskolar.
Sa kanyang keynote speech sa pulong, ipinahayag ni Wang na ang kapayapaan at kaunlaran ay nananatili pa ring pangunahing tunguhin ng kasalukuyang daigdig. Aniya, kung talagang nais lutasin ang iba't-ibang hamong kinakaharap ng kasalukuyang daigdig, kailangang patuloy na igiiit ang multilateralism, walang humpay na palakasin ang kooperasyon ng mga malalaking bansa, puspusang pabutihin ang pangangasiwa sa buong mundo, at buong tatag na pasulungin ang prosesong pangkooperasyon sa iba't-ibang rehiyon.
Dagdag pa niya, patuloy at buong tatag na palalalimin ng Tsina ang komprehensibong reporma, at palalawakin ang pagbubukas sa labas upang makapagbigay ng mga bagong ambag sa usapin ng kapayapaan at kaunlaran ng buong sangkatauhan sa pamamagitan ng sariling pag-unlad.
Salin: Li Feng