|
||||||||
|
||
Kalahok sa Summit si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama ang mga lider mula sa iba pang mahigit 50 bansa, at apat na organisasyong pandaigdig na kinabibilangan ng United Nations (UN), International Association for Atomic Energy (IAEA), International Criminal Police Organization (INTERPOL), at Uniyong Europeo (EU).
Pangako ng Tsina
Ayon sa mga tagapag-analisa, ang paglahok ni Pangulong Xi ay hudyat ng matibay na pangako at konstruktibong hakbang para maigarantiya ang di-pagpapalaganap ng mga radioactive material sa daigdig.
Kabilang sa mga pangunahing paksa ay kung paano matitiyak ang kaligtasan ng mga materyal, pasilidad at sandatang nuklear para hindi ito magamit ng mga terorista at kung paano matutugunan ang pandaigdig na hamong dulot ng malawakang paggamit ng teknolohiya at enerhiyang nuklear para sa layuning pansibilyan.
Kooperasyong Sino-Amerikano, mahalaga sa kaligtasang nuklear
Sa sidelines ng Summit, nakatakdang magtagpo si Pangulong Xi Jinping at ang kanyang counterpart na Amerikano na si Barack Obama.
Ayon kay Thomas Countryman, Asistanteng Kalihim ng Estado ng Amerika sa Seguridad na Pandaigdig at Nonproliferation na napakahalaga ng kooperasyon ng Tsina at Amerika para matiyak ang kaligtasang nuklear ng daigdig.
Sinabi ni Countryman na noong 2015, naging mahigpit ang kooperasyon at koordinasyon ng dalawang bansa sa pagpapasulong ng pagkakaroon ng Komprehensibong Kasunduan hinggil sa Isyung Nuklear ng Iran at pagpapatibay kamakailan ng UN Security Council Resolution bilang tugon sa nuclear test at satellite launch ng Hilagang Korea.
Idinagdag pa niyang noong unang dako ng Marso, magkasamang pinamuhunanan ng Tsina at Amerika ang Nuclear Security Center of Excellence, pinakamalaking nuclear security center sa Asya-Pasipiko. Ang Sentro ay nakabase sa Beijing.
Ang pagdaos ng Nuclear Security Summit ay iminungkahi ni Pangulong Obama noong 2009. Idinaraos ito bawat dalawang taon.
Larawan ng International Media Center sa Walter E. Washington Convention Center, lugar na pinagdarausan ng Ika-4 na Nuclear Security Summit. (Xinhua/Li Muzi)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |