Sabado, Pebrero 18, 2017, local time, sa panahon ng kanyang pagdalo sa Munich Security Conference, nakipagtagpo si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa kanyang counterpart sa Timog Korea na si Yun Byung-se.
Sinabi ni Wang na ang kasalukuyang taon ay ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Timog Korea. Dapat aniyang pahalagahan ang natamong bunga ng relasyon ng dalawang bansa, at isa-isang-tabi ang mga umiiral na hadlang, para mapasulong ang malusog na pag-unlad ng estratehiko't kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Inulit din niya ang paninindigan ng panig Tsino sa pagtutol sa pagdedeploy ng Timog Korea ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) System. Aniya, ang katiwasayan ng isang bansa ay hindi dapat batay sa pagsira sa katiwasayan ng ibang bansa. Nauunawaan aniya ng panig Tsino ang pangangailangan ng panig Timog Koreano sa pangangalaga sa sariling katiwasayan, pero dapat din aniyang igalang ng Timog Korea ang lehitimong paninindigan ng Tsina.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang magkabilang panig hinggil sa kalagayan ng Korean Peninsula.
Salin: Vera