|
||||||||
|
||
Sina Wang Yi (sa kanan) at Rex Tillerson (sa kaliwa)
Germany — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Biyernes, Pebrero 17, 2017, kay Rex Tillerson, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na napakahalaga ng pag-uusap sa telepono kamakailan nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Donald Trump. Sinabi niya na malinaw na ipinahayag ng panig Amerikano na patuloy at buong tatag na mananangan sa patakarang isang Tsina, at buong pagkakaisang ipinalalagay ng dalawang lider na tiyak na magiging mas mabuting partner ang dalawang bansa. Aniya, ang nasabing mahalagang komong palagay ay nangangalaga sa pundasyong pulitikal ng relasyon ng dalawang bansa.
Idinagdag pa niya na isinasabalikat ng Tsina at Amerika ang komong responsibilidad sa pangangalaga sa katatagang pandaigdig, at pagpapasulong ng kasaganaang pandaigdig. Nakahanda aniya ang panig Tsino na ayon sa narating na komong palagay ng dalawang lider, palakasin ang pagkokoordinahan, palakasin ang pagtitiwalaan, at palalimin ang kooperasyong Sino-Amerikano upang makapaghatid ng aktuwal na kapakanan sa kanilang mga mamamayan, at makapagbigay ng mas maraming ambag sa kapayapaan at kasaganaang pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Tillerson na ang pag-ulit ng panig Amerikano sa pananangan sa patakarang isang Tsina, ay hindi lamang napakahalaga para sa relasyon ng dalawang bansa, kundi nakakabuti sa katatagan at kaunlarang panrehiyon. Umaasa aniya ang panig Amerikano na magsikap kasama ng panig Tsino, upang mapasulong pa ang relasyon ng dalawang bansa.
Malaliman din silang nagpalitan ng kuru-kuro tungkol sa isyung nuklear ng Korean Peninsula.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |