Ipinahayag kamakailan sa Bangkok ni Hirunya Suchinai, Pangkalahatang Kalihim ng Board of Investment ng Thailand, ang pag-asang makikinabang ang Thailand sa bentahe ng Tsina sa biotechnology, nano technology, at digital technology. Ito aniya ay para pasulungin ang Thailand 4.0 strategy sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa.
Ayon pa rin sa naturang opisyal Thai, pinaiiral ngayon ng Thailand ang mga preperensyal na patakaran sa pamumuhunan sa mga aspekto ng biotechnology, nano technology, at digital technology. Umaasa aniya siyang mamumuhunan sa Thailand ang mas maraming bahay-kalakal na Tsino sa naturang mga aspekto.
Salin: Liu Kai