Idinaos kahapon, Biyernes, ika-9 ng Disyembre 2016, sa Beijing ang ika-5 pulong ng magkasanib na komite ng Tsina at Thailand sa kalakalan, pamumuhunan, at kabuhayan.
Binigyan ng mga kalahok na opisyal ng dalawang bansa ng positibong pagtasa ang mga natamong bunga ng naturang komite sa pagpapasulong ng kooperasyong Sino-Thai sa kalakalan, pamumuhunan, at kabuhayan. Ipinalalagay nilang dapat lubos na patingkarin ang papel ng mga umiiral na bilateral na mekanismo, para pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative, palalimin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at palakasin ang kooperasyon sa mga malaking proyekto.
Salin: Liu Kai