Ayon sa datos na isinapubliko kamakailan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), noong isang taon, umakyat sa 26.9 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng remittance ng mga Overseas Foreign Workers (OFW) ng Pilipinas. Ito ay mas malaki ng 5% kumpara sa taong 2015.
Tinukoy ng BSP na ang OFW remittance ay palagiang mahalagang sandigan ng kabuhayang Pilipino. Noong isang taon, ang OFW remittance ay katumbas ng 8.1% ng kabuuang pambansang kita. Ang nasabing pondo noong taong 2016, ay nagmula pangunahin na, sa mga bansang gaya ng Amerika, Saudi Arabia, Singapore, Britanya, Hapon, Qatar, Kuwait, at Alemanya.
Ayon sa pagtaya ng BSP, dahil sa pagbuti ng kalagayan ng kabuhayang pandaigdig, patuloy na lalaki ang OFW remittance sa kasalukuyang taon.
Salin: Li Feng