Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko ng Bangko Sentral ng Pilipinas, noong unang hati ng taong ito, 12.1 bilyong dolyares ang halaga ng Overseas Filipino Workers (OFW) remittances. Ito ay lumaki ng 5.6% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Noong unang hati ng taong ito, ang Amerika, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Britanya, Singapore, Hapon, Hong Kong ng Tsina, at Kanada ay pangunahing pinanggagalingan ng OFW remittances, ayon sa pagkakasunod.
Tinukoy ni Amando Tetangco Jr, Presidente ng naturang bangko, na ang tuluy-tuloy na paglaki ng OFW remittances ay sanhi ng matatag na pangangailangan ng pamilihang panlabas sa mga mahusay na manggagawa ng Pilipinas.
Salin: Vera