Ayon sa ulat ng "Philippine Daily Inquirer" ng Pilipinas, dahil sa epekto ng pagbaba ng presyo ng crude oil sa daigdig at isyu ng geopolitics sa mga bansang Gitnang Silangan, kahaharapin ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang panganib na mawalan ng trabaho sa kasalukuyang taon.
Dahil sa di-sapat na pangangailangang pandaigdig, noong katapusan ng nagdaang taon, bumaba ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang taunang halaga ng padala ng OFWs sa 25.3 bilyong dolyares mula 25.6 bilyong dolyares.
Salin: Li Feng