Nakipagtagpo kahapon, Lunes, ika-20 ng Pebrero 2017, sa Manila, si Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, kay Song Tao, Puno ng International Department ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Sinabi ni Song, na bilang matalik na magkapitbansa, kailangang ipatupad ng Tsina at Pilipinas ang mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, para palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, palakasin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan, at pasulungin ang bilateral na relasyon.
Ipinahayag naman ni Duterte ang pag-asang komprehensibong palalakasin ang pragmatikong kooperasyon ng Pilipinas at Tsina. Bilang tagapangulo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP–Laban), sinabi rin ni Duterte, na kailangang palakasin ng dalawang partido ang pagpapalitan at pagpapalagayan, at palalimin ang pagtitiwalaan at pagtutulungan.
Pagkaraan ng pagtatagpo, sinaksihan ni Duterte ang paglagda nina Song Tao, at Aquilino Pimentel III, Presidente ng PDP-Laban, sa Memorandum hinggil sa pagpapalitan at pagtutulungan ng CPC at PDP-Laban.
Salin: Liu Kai