|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kamakailan ng Sekretaryat ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na itatatag ang sistema ng pagmo-monitor at pagsusuri upang mapasulong ang mabisang pagsasakatuparan ng "Pangkalahatang Plano ng Konektibidad ng ASEAN mula 2016 hanggang 2025."
Nakapokus ang nasabing plano, pangunahin na, sa limang larangang estratehiko na kinabibilangan ng sustenableng konstruksyon ng imprastruktura, digital innovation, lohistika, pamamahala sa pag-aangkat at pagluluwas, at staff turnover.
Ayon sa Sekretaryat, ang pagpapalakas ng konektibidad sa loob at labas ng rehiyong ito ay preperensyal na tungkulin ng proseso ng integrasyon ng ASEAN bago dumating ang taong 2025.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |