|
||||||||
|
||
ANG kaunlaran ng nakararami ang nararapat na layunin ng economic integration ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ito ang buod ng talumpati ni Vice President Jejomar C. Binay sa 2nd ASEAN Fixed Income Summit kaninang umaga. Mawawalan ng kahulugan ang anumang kaunlaran kung hindi ito mapakikinabangan ng nakararaming mamamayan.
Ang integration ay mawawalan ng kabuluhan kung higit na yayaman ang mayayaman na at hindi mai-aangat ang kinasasadlakan ng karamihan ng mga mamamayan.
Ikinalungkot ni G. Binay na kahit pa mauroong kaunlarang nagaganap sa pagsasanib ng mga ekonomiya ng mga bansang kasapi sa ASEAN, maraming mga mamamayan pa rin ang nanatiling mahirap. Marami pa ring mas mababa sa poverty line ang kinasasadlakan. Sa Pilipinas, 25% ng mga mamamayan ang kinikilalang mahihirap. Halos kalati ng ASEAN ang mayroong halos magkakatugmang poverty ratio.
Mananatiling mahirap ang mga mamamayan kung walang access sa karaniwang mga oportunidad tulad ng mayayaman. Binanggit niya ang access sa transportasyon, edukasyon at healthcare. Ang mga ito ay napakahalaga sa kanilang buhay.
Ani G. Binay, kung nais ng ASEAN na magtagumpay ang pinag-sasanib ng ekonomiya, kailangang paunlarin ang production base. Nararapat lamang katigan ng mga pamahalaan ang mahihirap.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |