Ayon sa ulat ng media ng Thailand kahapon, Pebrero 20, 2017, may pag-asang lalagdaan ng Thailand at Sri Lanka ang kasunduan ng malayang kalakalan sa Agosto ng taong ito.
Isiniwalat ni Somkid Jatusripitak, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand na sa kanyang pakikipagtagpo sa ministro ng pandaigdig na kalakalan ng Sri Lanka, ipinahayag ng panig ng Sri Lanka na inaasahan nila ang agarang pagpirma ng dalawang bansa sa kasunduan ng malayang kalakalan. Ngayon, ang kasunduang ito ay nasa lebel pangtalakayan.
Ayon pa rin sa ulat, itatatag ng dalawang bansa ang estratehikong partnership na pangkooperasyon. Umaasa ang Sri Lanka na palalakihin ng Thailand ang pamumuhunan sa agrikultura, alahas, turismo, IT at pagyari ng mga pang-araw-araw na gamit. Magpapadala ang Thailand ng delegasyon ng mga bahay-kalakal sa Sri Lanka para sa pagsasangunian.
salin:Lele