Nakipag-usap Pebrero 20, 2017 ang Ministring Panlabas ng Malaysia kay Kang Cheol, Embahador ng Hilagang Korea sa nasabing bansa. Ito ay hinggil sa pagbatikos kamakailan ni Kang sa pamahalaan ng Malaysia, bilang tugon sa kaso ng di-umano'y pagpaslang kay Kim Jong Nam sa paliparan ng Kuala Lumpur.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ng Ministring Panlabas ng Malaysia, na walang batayan ang pagbatikos ni Kang. Anito, ang isinagawang postmortem examination at imbestigasyon ng Malaysia ay naging bukas at angkop sa internasyonal na norma.
Anito pa, bumalik na sa Kuala Lumpur ang embahador ng Malaysia sa Hilagang Korea, para sa kaukulang imbestigasyon sa nasabing kaso.