Ayon sa "Kwong Wah Daily" ng Malaysia, ipinahayag kamakailan ni Mustafa Mohammad, Ministro ng Kalakalang Pandaigdig at Industriya ng Malaysia, na noong isang taon, umakyat sa 1.49 na trilyong Ringgit (halos 335.5 bilyong dolyares) ang kabuuang halaga ng kalakalan ng bansang ito. Ito ay mas malaki ng 1.5% kumpara sa taong 2015.
Tinukoy din niya na ang proporsiyon ng pagluluwas ng ASEAN sa Malaysia ay umabot sa 29.4% noong isang taon, mula 28.2% noong 2015. Ito aniya ay pinakamataas na proporsiyon sapul noong 1993.
Salin: Li Feng