MAHAHARAP sa bagong usapin si Senador Leila de Lima sa kanyang pananawagan sa mga Filipino na labanan ang mapang-aping rehimen ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na kailangang maging maingat ang mambabatas sa kanyang mga pahayag sapagkat maaari siyang maharap sa usaping inciting to sedition.
Ito ang tugon ni Secretary Aguirre sa mga pahayag ng mamababatas laban kay Pangulong Duterte at sa kanyang pamahalaan na kanyang inakusahan ng pagpaparating na gawa-gawang usaping may kinalaman sa ilegal na droga sa kanyang mga pagpuna sa pamahalaan.
Inakusahan ni De Lima si G. Duterte ng pagiging sociopathic serial killer at pagiging diktador. Ang sinumang mapapatunayang nagkasala ng inciting to sedition ay maaaring maharap sa pagkakabilanggo ng anim na buwan at isang araw hanggang anim na taon at multang P 2,000.