|
||||||||
|
||
PINASALAMATAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Asian Development Bank sa papel nito sa rehiyon na naghatid ng iba't ibang proyektong nagpaunlad sa mga mamamayan.
Sa kanyang talumpati sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Asian Development Bank, sinabi ni G. Duterte na tumulong ang bangko sa pagbabawas ng kahirapan at pagpapaunald ng kalidad ng buhay sa pamamagitan ng US$ 267 bilyon financial assistance mula noong 1966.
Mahalaga ang naging papel ng ADB sa pagawaing bayan, kalikasan, edukasyon at mapalad ang Pilipinas sa desisyon ng bangko na dito itatag ang kanilang punong tanggapan.
Nakapagdulot ito ng hanapbuhay at naging dahilan ng technical at information transfers sa paglipas ng mga taon. Nakatanggap ang Pilipinas ng higit sa US$ 16 bilyon sa pamamagitan ng mga pautang at grants. Halos isang bilyong dolyar din ang nailabas para sa mga pautang at investments sa mga pribadong kumpanya sa Pilipinas.
Umaasa si Pangulong Duterte sa pautang na US$ 4.22 bilyon at US$ 9.3 milyon bilang technical assistance sa susunod na tatlong taon. Gagawin ng pamahalaan ang lahat upang umunlad ang ekonomiya at mabawasan ang kahirapan.
Isinusulong ng pamahalaan ang simple at mas maayos na tax collection at mas mababang rates at mas malawak na sandigan. Layunin ding mapalaki ang gastos sa infrastructure ng may 7.4% ng Gross Domestic Product sa taong 2022.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |