Upang ipatupad ang "Memorandum of Understanding between the China Coast Guard and the Philippine Coast Guard on the Establishment of a Joint Coast Guard Committee on Maritime Cooperation ," mula Pebrero 20 hanggang Pebrero 22, 2017, idinaos sa Subic ng mga coast guard ng Tsina at Pilipinas ang ika-2 preparatoryong pulong at pulong ng pagtatatag ng nasabing joint committee. Sinang-ayunan ng kapuwa panig na isagawa ang iba't ibang porma ng pragmatikong kooperasyon, sa mga larangang gaya ng pagbibigay-dagok sa mga transnasyonal na krimen, paghahanap at pagliligtas sa dagat, pangangalaga sa kapaligiran, emergency response at iba pa.
Ayon sa impormasyong inilabas ng China Coast Guard noong Miyerkules, dumalo sa pulong si Felipe Judan, Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Transportasyon ng Pilipinas. Ipinahayag niyang ang pagtitiwalaan, pagtutulungan at pagkakaibigan sa pagitan ng mga coast guard ng Pilipinas at Tsina ay makakatulong sa ibayo pang pagpapatibay at pagpapalalim ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Vera