Mula Pebrero 23 hanggang 24, 2017, magkahiwalay na idinaos ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina ang pakikipagsangguniang diplomatiko sa kanyang mga counterparts na sina Khamphao Ernthavanh at Thongphane Savanphet ng Laos. Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa relasyong Sino-Lao at kooperasyong panrehiyon.
Buong pagkakaisang ipinalalagay ng dalawang panig na sapul noong isang taon, natamo ng relasyong Sino-Lao ang mahalagang progreso. Narating anila ng dalawang bansa ang mahalagang komong palagay hinggil sa pagpapasulong ng kanilang komprehensibong estratehikong kooperasyon.
Bukod dito, lubos din nilang pinapurihan ang pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN noong isang taon. Inulit ng panig Tsino ang lubos na pagpapahalaga sa relasyon sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at buong tatag nitong kinakatigan ang konstruksyon ng komunidad ng ASEAN. Ipinalalagay ng dalawang panig na sa okasyon ng ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN, dapat patuloy na palalimin ng Tsina at ASEAN ang pragmatikong kooperasyon upang mapangalagaan ang katatagang panrehiyon at mapasulong ang komong pag-unlad.
Salin: Li Feng