Ipinatalastas ngayong araw, Linggo, ika-26 ng Pebrero 2017, ng kapulisan ng Malaysia, na walang natuklasang nalalabing lason sa Terminal 2 ng Kuala Lumpur International Airport, kung saan naganap noong ika-13 ng buwang ito ang asasinasyon sa isang lalaking Hilagang Koreano.
Nauna rito, kinumpirma ng kapulisan ng Malaysia, na ginamit ng mga suspek ang VX Vapor sa naturang asasinasyon. Ang VX Vapor ay itinuturing ng United Nations na sandatang medikal na pamuksa nang malakihan, at mayroon itong nakakalasong epekto sa kapaligiran.
Salin: Liu Kai