Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagmimina, nagdudulot ng kabuhayan

(GMT+08:00) 2017-02-28 13:22:16       CRI

MALAKI ang magagawa ng pagmimina sa kabuhayan ng bansa. Ito ay kung mabibigyan ng magandang pagkakataon ang mga nasa pamahalaan at mga nasa industriya na matupad ang itinatadhana ng batas. Ito ang pahayag ng iba't ibang stakeholders sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga.

PAGMIMINA, MAY POTENSYAL.  Ito ang sinabi ni Ifugao Congressman Allen Jesse Mangaoang (may mikropono) sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kanina.  Kailangan ang pagtutulungan ng industriya at ng pamahalaan upang huwag maghirap ang minero at kanilang pamilya.  (Melo M. Acuna)

Ayon kay Congressman Allen Jesse Mangaoang, kinatawan ng Kalinga, malaki ang potensyal ng bansa mula sa mga likas na yaman ng Pilipinas. Hindi birong magkaroon ng mga processing plant sa Pilipinas sapagkat malaking halaga ang kailangan.

Ikinalungkot ng mambabatas ang ginawa ni Environment and Natural Resources Secretary Regina Paz Lopez na pagpapasara ng mga minahan na kinabibilangan ng mga kumpanyang katatanggap pa lamang ng MPSA o Mineral Production Sharing Agreement sapagkat wala pa namang operasyong nagaganap ay ipinasara na kaagad.

Para kay Orlan Mayor ng Sta. Cruz, Zambales, dalawang taon nang suspendido ang minahan sa kanyang lalawigan at may 4,000 na ang walang hanapbuhay. Ang masaklap pa ay kanselado na ang permiso ng kanilang minahang kanilang pinaglilingkuran kaya't higit na magugutom ang kanilang mga pamilya.

Hindi kumbinsido si G. Mayor sa pangako ni Secretary Lopez na mabubuhay ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pagtatanim ng kahoy sa mga dating minahan sapagkat hindi sustainable ang ganitong proyekto. Sa mga minahan, kumikita ang mga taong walang pinag-aralan ng halos kasinglaki ng mga guro sa paaralang pangpubliko.

Sinabi ni G. Virgilio Tanguige, pangulo ng Alyansa Tuloy Mina-Mindanao, na hirap na ang mga walang hanapbuhay sa kanilang tribo. Madali umanong magdesisyon ang pamahalaan kung walang konsultasyon sa mga mamamayan. Ang mga katutubo ay sumusunod sa alituntunin ng Mining Act of 1995, dagdag pa ni G. Tanguige.

Ipinaliwanag naman ni G. Sesinando Aguirre na ang mga nagtatrabaho sa mga minahan ay walang ibang matutunguhan upang maghanapbuhay sapagkat ito na ang kinagisnang trabaho.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>