Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagmimina, makakatulong sa bansa

(GMT+08:00) 2015-09-28 17:49:40       CRI

NAHAHARAP sa iba't ibang hamon ang industriya ng pagmimina sa Pilipinas mula sa mahihigpit na batas hanggang sa pagtutol ng mga katutubo. Ito ang lumabas sa masusing talakayan sa katatapos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga.

Para kay Mines and Geosciences Bureau Director Leo Jasareno, ang malaking proyekto sa Tampakan sa South Cotabato ay maipagpapatuloy na matapos maipon ang kaukulang pagsang-ayon ng mga naninirahan sa tatlong lalawigan na nasasaklaw ng proyekto. Sinabi rin ni Director Jasareno na ang pangamba mula sa mga mamamayan at iba't ibang sektor ay dahilan sa maling impormasyong nakarating sa madla.

Bagaman, inamin ni Director Jasareno na nag-aabang ang kaaramihan ng mga kumpanya matapos magpatupad ng panibagong palatuntunan ang pamahalaan noong 2012. Kabilang dito ang paglalaan ng mas malaking bahagi ng buwis sa pamahalaan.

Ayon kay Bb. Rosario Bella Guzman, ang executive director at pinuno ng research department ng IBON Foundation na mga banyagang bansa ang kumikita sa yamang-likas ng Pilipinas bukod sa mas malaking naipadadalang kita pabalik sa mga sariling bansa, napapadali pa ang kaunlaran sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Bagaman, sinabi ni Atty. Ronald Recidoro, ang Vice President for Legal and policy ng Chamber of Mines na karamihan ng mga minahan sa Pilipinas ay pawang pag-aari ng mga kumpanyang Pilipino.

Ipinaliwanag naman ni Undersecretary for Environment and International Environmental Affairs ng DENR Atty. Jonas R. Leones na tanging ang Pilipinas lamang ang may probisyon sa batas na naglalaan ng salapi para sa pinsalang idinudulot sa kalikasan at kapaligiran. Mayroong nakatakdang porsiyento para sa pagsasaayos ng mga napinsalang kagubatan at iba pa dahil sa mina.

POTENSYAL NG PAGMIMINA MALAKI.  Ipinaliliwanag ni Atty. Deo Contreras, may-akda ng Commentaries on Philippine Mining Laws na sapat ang batas subalit ang nagkukulang ay ang pagpapatupad ng nilalaman nito.  Dumalo rin sa pagtitipon sina Atty. Ronald Recidoro, Vice President ng Legal at Policy ng Chamber of Mines, (dulong kanan), Undersecretary for Environment Jonas R; Leones, pangalawa mula sa kanan at Mines and Geosciences Director Leo Jasareno.  (Larawan ni Sky Ortigas)

Ayon kay Atty. Deo Contreras, may akda ng Commentaries on Philippine Mining Laws, sapat na ang mga batas at ang problema lamang ay ang pagpapatupad ng mga probisyon nito. Ipinaliwanag din niyang maraming biyayang matatamo sa minahan sapagkat magkakaroon ng mga hanapbuhay ang mga naninirahan sa pook na pagmiminahan.

Sumagot naman si Atty. Recidoro sapagkat karamihan ng mga manggagawang kinukuha ng mga minahan ay mula sa mga barangay at bayang kinalalagyan ng minahan.

Ikinababahala naman ni Atty. Sonny Matula, pangulo ng Federation of Free Workers na may kontraktuwalisasyong nagaganap sa mga minahang kinatatagpuan ng kanilang mga kasapi, partikular sa Agusan del Sur. Wala umanong problema ang kanilang mga kasapi sa mga lalawigan ng Bohol at Cebu.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>