|
||||||||
|
||
PAGMIMINA, MAPAKIKINABANGAN. Ito ang sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanyang talumpati sa pagpaparangal sa mga kumpanya ng minahang nagwagi sa patimpalak noong nakalipas na taon. Kanina idinaos ang pagpaparangal sa Malacanang. (PCOO Photo)
ANG kontrobersyal na industriya ng pagmimina ay mapakikinabangan kung gagawin ng may kaukulang pagsunod sa batas at taimtim na paggalang sa kalikasan.
Ito ang buod ng talumpati ni Pangulong Aquino sa idinaos na pagpaparangal sa mga kumpanyang tumupad sa batas na idinaos sa Malacanang kanina. Sinabi niyang layunin ng bansang magkaroon ng mas malinis at ligtas na mga minahan.
Binigyang-diin ng pangulo ang mga nagawa ng mga pinarangalang kumpanya kanina. Nabawasan na rin ang illegal logging sa bansa mula 197 at ngayo'y 23 na lamang at ang mga nasamsam na torso ay ginamit upang ayusin ang mga paaralan at makagawa ng mga upuan para sa mga mag-aaral.
Ani Pangulong Aquino, sa pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor, mapakikinabangan ng lubos ang pagmimina. Itinatag ang Philippine Mineral Environmental Award noong 1997 upang kilalanin ang mga magagandang gawain ng mga kumpanya sa bansa.
Magugunitang tumututol ang katutubo at maging alagad ng simbahan dahil sa mga trahedyang naganap noong mga nakalipas na taon sa iba't ibang bahagi ng bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |