SINABIHAN ni dating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang kanyang mga kasamang Liberal na napapanahon nang magsalita upang marinig ang kanilang tinig at sumuporta sa pamahalaan ng hindi tumatalikod sa mga paninindigan ng partido.
Ito ang sinabi ni Secretary-General Kit Belmonte sa payo at pahayag ng dating pangulo sa tatlong oras na pulong sa Quezon City matapos patalsikin sa kanilang posisyon ang ilang mga senador.
Kailangan umanong suportahan ng Liberal Party ang pamahalan nang hindi lilimot sa paninindigan at mga prinsipyo ng partido, dagdag pa ni Belmonte.