Ipinahayag Pebrero 27, 2017 ni Zhong Shan, Ministro ng Komersyo ng Tsina na nananatiling matatag ang paglaki ng pondong dayuhan sa pamilihan ng Tsina, pagkaraang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina. Aniya, lumampas sa 489.4 bilyong dolyares ang halaga ng mga pondong dayuhan sa Tsina, mula noong 2013 hanggang 2016. Bukod dito, umabot sa 11.7% ang karaniwang taunang paglaki ng pondong dayuhan sa mga industriya ng high-tech ng bansa, dagdag ni Zhong.
Ipinahayag ni Zhong na isasagawa at ibayong pabubutihin ng Tsina ang mga katugong hakbangin, para isakatuparan ang patuloy at sustenableng paglaki ng pondong dayuhan, sa taong 2017.