Dumating kahapon, Martes, ika-28 ng Pebrero 2017, sa Kuala Lumpur, Malaysia, ang delegasyon sa mataas na antas ng pamahalaan ng Hilagang Korea, para hawakan ang insidente ng pagpatay sa isang lalaking H.Koreano sa paliparan ng Kuala Lumpur.
Sinabi ni Ri Tong Il, tagapagsalita ng naturang delegasyon, na tatalakayin nila, kasama ng mga opisyal Malay, ang hinggil sa mga isyu, na gaya ng pagsasauli ng bangkay ng nabanggit na nasawi sa H.Korea, pagpapalaya sa suspek na H.Koreano, pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at iba pa. Pero, hindi niya ipinaliwanag kung sinu-sino ang kakausapin nila.
Salin: Liu Kai