Sa kanyang work report sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-5 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Komite ng Politikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC), kataas-taasang political advisory body ng Tsina, sinabi nitong Biyernes, Marso 3, 2017, ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng CPPCC, na sa kasalukuyang taon, dapat magsikap ang CPPCC upang makapagbigay ng ambag sa pangangalaga sa harmoniya at katatagang panlipunan.
Ani Yu, dapat lubos na patingkarin ang mahalagang papel ng CPPCC. Dapat din aniyang makipagtulungan ang CPPCC sa partido at pamahalaan sa mga gawaing kinabibilangan ng pagkoordina sa mga relasyon, paglutas sa mga kontradiksyon, pagpapahigpit ng pagkakaisa, at iba pa.
Salin: Li Feng