Idaraos ngayong hapon, Marso 2, 2017 sa Beijing ang news briefing ng Ika-5 Sesyong Plenaryo ng Ika-12 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), katas-taasang advisory organization ng Tsina.
Mula ika-3 ng Marso, sisimulan ang nasabing pulong para talakayin ang mga mahalagang pambanasang isyu. Kaugnay nito, maraming tanong ang mga mamamahayag sa loob at labas na bansa tungkol sa mga mainit na isyu noong nakalipas na taon.
Pero, ano nga ba ang mga isyung pinakamadalas na tanungin sapul nang unang sesyong plenaryo ng Ika-12 CPPCC noong 2013? Ayon sa datos, tinanong ng mga mamamahayag bawat taon ang 6 na uri ng isyu na gaya ng gawain ng CPPCC, pamumuhay ng mga mamamayan, kabuhayan, paglaban sa korupsyon, isyu ng Hong Kong at polusyon sa hangin.
Bukod dito, pinansin din ng mga mamamahayag ang mga isyung may kinalaman sa relasyong Sino-Hapones, paglaban sa terorismo at "One Belt One Road Initiative."
Si Wang Guoqing, Tagapagsalita ng CPPCC.