Ipinatalastas kahapon, Sabado, ika-4 ng Marso 2017, ni Ministrong Panlabas Anifah Aman ng Malaysia, na "persona non grata" si Kang Chol, Emabahador ng Hilagang Korea sa Malaysia. Hiniling din niya kay Kang, na umalis ng Malaysia sa loob ng 48 oras mula noong araw ring iyon.
Sinabi ni Aman, na binatikos minsan ni Kang ang Malaysia, kaugnay ng insidente ng pagpatay sa isang lalaking H.Koreano sa paliparan ng Kuala Lumpur. Bilang tugon aniya, hiniling ng panig Malay kay Kang na humingi ng pormal na paumanhin, at ipinatawag din siya sa tanggapan ng Ministring Panlabas ng bansa. Pero, hindi humingi ng paumanhin si Kang, at di-rin nagpunta sa nasabing ministri. Ani Aman, ito ang dahilan kung bakit ginawa ng panig Malay ang naturang aksyon.
Salin: Liu Kai