MAGKAKAROON na ng bagong tanggapan sa Philippine National Police na mamumuno sa kampanya laban sa illegal drugs.
Sinabi ni PNP Director General Ronald dela Rosa na ang PNP Drug Enforcement Group ang papalit sa Anti-Illegal Drugs Group. High-value target, kabilang ang drug manufacturer, trafficker, drug lord at drug protector. Wala umanong record ng mga kalokohan ang makakasama sa bagong tatag na grupo.
Pamumunuan ni Senior Supt. Graciano Mijares. Masusing pinag-aralan ng directorial staff ang paghirang kay Mijares.
Idinagdag ni General dela Rosa na mabubuo na rin ang grupo sa mga susunod na panahon.