Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hindi malulutas ang drug addiction sa pamamagitan ng pagpatay

(GMT+08:00) 2016-08-30 11:56:44       CRI

NANINIWALA si Fr. Luciano Feloni, isang paring tubo sa Argentina na hindi matatapos ang problema ng drug addiction sa pamamagitan ng pagpaslang. Kailangan ng isang malawakang programang tutulong na maibalik ang drug dependents sa lipunan.

Sa isang panayam sa kanyang simbahan sa Camarin, Caloocan City, sinabi ni Fr. Feloni na mula ng maproklamang pangulo ng bansa si Pangulong Duterte, karaniwang napapaslang ang mga tatlo hanggang lima katao sa kanilang parokyang nasasakupan.

Mga naka-motorsiklo ang nagsasagawa ng paslang. Ipinaliwanag niyang nababatid nila ang pangyayaring ito sapagkat lumalapit ang mga naulila sa kanila at humihiling na pagmisahan ang napatay.

Nagsimula silang magtanong kung ano ang magagawa upang makatulong sa pamahalaan at sa lipunan kaya't naisipan nilang maglunsad ng programang "Healing not Killing" sa kanilang parokya. Gagawin ito sa darating na Huwebes at dadaluhan ng iba't ibang sektor ng lipunan mula sa kanilang obispo hanggang sa kanilang punong-lunsod at kinatawan ng kanilang distrito sa House of Representatives.

"HEALING NOT KILLING"  Ito ang pangalan ng community-based rehabilitation program na ilulunsad sa unang araw ng Setyembre ni Fr. Luciano Feloni, isang Argentinian parish priest sa Camarin, Caloocan City.  Naniniwala silang may pag-asa ang drug dependents na magbago kung tutulungan ng komunidad.  (Melo M. Acuna)

Para kay Fr. Feloni, napakababaw ng programang pagpapasuko at bahala na ang drug dependents kung babalik pa sila sa droga. Kulang ang ganitong programa sapagkat kailangang patibayin ang pamilya, bigyan ng bagong hanapbuhay ang mga drug dependent at drug pusher, pagsasailalim sa detoxification program sa pamamagitan ng mga manggagamot at mga psychiatrist at pagpapalakas ng kanilang pananamplataya.

Niliwanag pa niya na kasama ng pamahalaan ang Simbahan sa pagsugpo sa illegal drugs subalit hindi kailanman papayag ang Simbahan na magpatuloy ang mga pagpaslang.

Si Bishop Antonio Tobias ng Diocese of Novaliches ang magpapahiram ng dalawang lote sa pamahalaan ng Quezon City upang pagtayuan ng rehabilitation centers. Ang lease agreement ay walang bayad, dagdag pa ni Fr. Feloni.

Mahirap umanong lumakas pa ang sindikato ng droga sa bansa sapagkat nakikita na ang masamang epekto nito sa pamamagitan ng narcopolitics na nagaganap sa South at Central America.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>