Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malawakang programa para sa drug campaign, kailangan

(GMT+08:00) 2016-08-30 11:52:55       CRI

MALABNAW ANG PROBRAMA LABAN SA DROGA NI PANGULONG DUTERTE.  Naniniwala si Congressman Gary Alejano ng Magdalo party list na dapat may nakalaang salapi sa rehabilitation at pagbuo ng comprehensive study hinggil sa mga problemang dulot ng drug addition.  (Melo M. Acuna)

NANGAKO si Magdalo Party List Congressman Gary C. Alejano na magpaparating ng resolusyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso tungkol sa kanyang kahilingan sa pamahalaang maglabas ng malawakang programa upang masugpo ang drug addition sa bansa.

Hindi umano sapat ang pagpapasuko at paghingi ng pangako sa mga drug addict na magbabago sapagkat kailangang mabatid ang pinag-uugatan ng problemang ito.

Nararapat mabatid kung saan nagmumula ang bawal na gamot, kung paano nakararating sa pamilihan at kung ano ang scientific findings upang magsabi si Pangulong Duterte na lumiliit na ang utak ng isang addict kaya't hindi na maituturing na normal na tao.

Kung totoo ang datos na na mayroong halos dalawang milyong drug dependents sa Pilipinas, hindi naman magiging madali na patayin ang mga ito sapagkat mangangailangan ng isang libo katao ang mapapaslang sa bawat araw.

Hindi malulutas ang problemang dulot ng drug addiction kung walang sapat na salapi para sa rehabilitation centers, medical facilities at mga programa ng Department of Interior and Local Government, Department of Health at iba pang ahensya.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>