SINABI ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na iniutos ni Pangulong Duterte ang pagdakip kay Alex Wong Chu King, may-ari ng Mighty Corporation.
Akusado si King ng pananabotahe sa ekonomiya ng Pilipinas matapos matuklasan ang mga palsipikadong selyo ng sigarilyo. Inutusan na ni Pangulong Duterte si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na dakpin ni King.
Nakausap na ni Wong Chu King si National Bureau of Investigation Director Dante Gierran at nagsabing handa siyang makiisa sa imbestigasyon.