NAPILI ang Boracay sa CTrip Top 10 Islands Destination Awards 2016. Kasabay ito ng Phuket, Malaysia, Maldives, Tahiti, Mauritius, Guam, Bali, Saipan at Okinawa. Naganap ang pagpaparangal sa kabubukas na 7-star Wanda Reign Hotel sa Bund, Shanghai.
BORACAY, KASAMA SA NANGUNGUNANG DESTINASYON. Pinarangalan ang Boracay ng CTrip Top 10 Destination Awards sa okasyon na idinaos sa Shanghai. Layuning kilalanin ng Chinese travel agency ang mga nangungunang magagandang pook sa daigdig. (DFA Photo)
Na sa pangalawang taon na ang CTrip Travel Awards Ceremony, layunin nitong kilalanin ang mga nangungunang madadalaw ng mga turista. Ang CTrip ay isang Chinese travel service provider na may tanggapan sa Shanghai.
Si Vice Consul André Peter C. Estanislao ng Philippine Consulate General sa Shanghai ang tumanggap ng parangal sa ngalan ng Pilipinas.