Ipinahayag Sabado, Marso 11, 2017 ni Huang Huikang, Embahador Tsino sa Malaysia, na ang kooperasyon sa pagitan ng Tsina at Malaysia ay nakakabuti sa mga bahay-kalakal ng dalawang panig.
Sinabi ni Huang na ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa Malaysia ay nagdudulot ng pondon at teknolohiya sa pamilihang lokal sa halip na pagsasagawa ng malubhang kompetisyon.
Sinabi pa niyang ang mga bagong teknolohiya na dulot ng mga bahay-kalakal ng Tsina ay nagpapataas ng episiyensiya at kapakanan ng pamilihang lokal.
Bukod dito, ang pagpasok ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa Malaysia ay nakakalikha ng mas maraming pagkakataon ng hanap-buhay para sa mga mamamayang lokal.