Ipinahayag kamakailan ni Zainuddin Bin Yahya, Embahador ng Malaysia sa Tsina na ang pinalakas na pagtutulungan ng Tsina at Malaysia sa larangan ng mataas na lebel na edukasyon ay makakatulong sa ibayong pagpapahigpit ng relasyon ng Tsina at Malaysia, at relasyon ng Tsina at ASEAN.
Mula noong Marso 6-9, 2017, bumiyahe si Embahador Yahya at kanyang entorahe sa mga lugar ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, na gaya ng Nanning, Baise at Guilin. Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa pagpapalitan sa larangang pang-kultura at pang-edukasyon, at narating ang mga kasunduan sa pagitan ng mga kolehiyo at unibersidad ng dalawang bansa.
Sinang-ayunan din ng dalawang panig ang magkasamang pagtatatag ng baseng maghuhubog ng mga talento.