|
||||||||
|
||
BINUKSAN na sa mga taga-Lungsod ng Pasay at mga tanggapang tulad ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Kagawaran ng Pananalapi (Department of Finance) ang ika-17 sangay ng Lido Cocina Tsina, isang kainang nagtatampok ng mga pagkaing nag-ugat sa Tsina.
Karaniwang matatagpuan sa mga tanyag na restaurant ang mga pagkaing mula sa Tsina na nagpapatunay na bukod sa makasaysayang pagkakaibigan ng dalawang lahi, ng mga Tsino at mga Filipino, nagkaroon ng pagsasalin ng mga kinaugalian at kinagisnang pagkain.
Kinaugalian at kinagiliwan ng mga Filipino ang mga lutuing tulad ng "roasted asado" na pinakapopular sa kasaysayan ng Lido Cocina Tsina.
LIDO COCINA TSINA, NADAGDAGAN NA NAMAN NG SANGAY. Pinasinayaan ang ika-17 sangay ng Lido Cocina Tsina sa Roxas Blvd., Pasay City. Tampok ang mga pagkaing nag-uugat sa Tsina, higit na sa 80 taon ang restaurant na ito. Makikita sa larawan sina Bryan at Roshell Tan, ang may-ari ng pinakahuling sangay ng tanyag na kainan. Nasa gitna si Gng. Annie Wong, ang nangangasiwa sa Lido Cocina Tsina mother company. (Contributed Photo)
Sa ika-17 sangay, ang mag-asawang Bryan at Roshell Tan ang nagtayo ng kainan sa bagong condominium, sa Radiance Manila Bay na matatagpuan sa Roxas Blvd., ang karaniwang dinaraanan ng mga panauhin ng bansa mula sa paliparan patungo sa Rizal Park upang mag-alay ng bulaklak sa paanan ng bantayog ng pambansang bayani at tumuloy na rin sa Malacanang upang makadaupang palad ang pangulo ng bansa.
Kinagigiliwan din ng mga Filipino ang espesyal na pagkakaluto ng lechon Macau at iba't ibang pagkakahanda ng hipon tulad ng kanilang bantog na Sichuan Shrimps at Shrimp Foo Yong.
Naitatag ang Lido Cocina Tsina higit sa 80 taon na ang nakalilipas sa Binondo, ang pinakamatandang Chinatown sa labas ng Tsina. Sa isang eskenita nagsimula ang Panciteria Lido na pag-aari ng isang kusinerong nakilala sa pangalang G. Lido. Sa kainang ito natagpuan ng mga Filipino ang masarap na pansit na mula sa katagang "pian-sit" na halaw sa katagang mula sa Hokkien na nangangahulugang ng madaling malutong pagkain.
Dito rin nagmula ang tanyag na Asado na ginamitan ng mga sangkap na mula pa sa Tsina. Sa tagumpay na natamo ng Lido sa Binondo, nakita na ang mga parokyano sa kanilang pag-aalmusal tampok ang mga pagkaing karamiha'y nagmula sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |