SINABI ng Department of Foreign Affairs na hiniling ng panig ng Tsina na ipagpaliban mula ang ika-28 Philippines-China Joint Commission on Economic and Trade Relations na nakatakda sanang gawin noong nakalipas na Huwebes, ika-23 at Biyernes, ika-24 ng Pebrero sa mga susunod na panahon. Sinabi ng panig ng Tsina na may kinalaman ito sa pagpapalit ng liderato sa Chinaese Ministry of Commerce (MOFCOM).
Umaasa ang Department of Foreign Affairs na matatapos na ang mga espikulasyon hinggil sa pagkakabalam ng pulong. Bukas ang linya ng pag-uugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina at ang mga isyung ikinababahala ay hindi nakasasagka sa relasyong pang-ekonomiya ng dalawang bansa.