|
||||||||
|
||
ISANG maliit na hakbang ang ginawa ng Tsina sa paghahatid ng 450 piraso ng transistor radio sa Malacanang upang ipamahagi sa mga taga-pagbalita ng Radyo ng Bayan at iba pang tanggapan sa ilalim ng Presidential Communications Office.
TSINA, TUTULONG SA PILIPINAS SA LARANGAN NG PAGBABALITA. Sinabi ni PCO Secretary Martin Andanar na sinimulan ni Chinese Ambassador to Manila Zhao Jianhua ang pagbibigay ng 450 pirasong transistor radio na ipamamahagi sa mga tagapagbalita ng Radyo ng Bayan at iba pang tanggapan sa ilalim ng Presidential Communication Office. Nakapanayam ng CRI siu Secretary Andanar mga ika-12 ng tanghali sa kanyang tanggapan. (Melo M. Acuna)
Ito ang naganap kaninang umaga sa pagdalaw ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa Malacanang at pagpapaunlak ng mga tanong mula sa mga mamamahayag. Ipinakilala siya ni PCO Secretary Martin Andanar sa mga kabilang sa Malacanang Press Corps.
Ani Ambassador Zhao sa pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Tsina, lumagda ang Presidential Communication Office at State Council Information Office sa isang kasunduan. Kabilang dito ang pagtutulungan ng dalawang tanggapan na magmumula sa delegasyon ng mga tauhan ng PCO na magsasanay sa Tsina sa loob ng dalawang linggo.
Magkakaroon ng pagsasanay ayon sa pangangailangan at kahilingan ng mga Filipino. May 30 kataong kawani ng pamahalaan at pribadong media na aanyayahang dumalaw sa Tsina para sa pagsasanay sa editing, reporting, media at management. Posible ring magkaroon ng mga radio transmitter sa People's Broadcasting Service upang higit na lumawak ang naaabot ng mga himpilan ng radyo sa kanayunan.
Sa panig ni Secretary Andanar, sinabi niyang makikinabang sa tulong ng Tsina ang People's Television 4, ang Radyo ng Bayan at Philippine News Agency sapagkat mayroon silang malalakas na ahensiya tulad ng CCTV, China Radio International at Xinhua News Agency.
Napapaloob sa mini-scholarships ang pagsasanay mula sa pito hanggang 14 na linggo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |