Bangkok, Huwebes, Marso 16, 2017 — Inilahad ni Werachon Sukhondhapatipak, Pangalawang Tagapagsalita ng Pamahalaang Thai, ang plano ng "National Strategy and Reform 2017-2036" sa mga media, diplomata, at mga kinatawan ng mga organisasyong pandaigdig sa Thailand.
Ipinahayag niya na napakalaki ang katuturan ng nasabing pambansang estratehiya at reporma. Aniya, layon nitong ibayo pang pataasin ang pangkalahatang imahe ng bansa sa mga larangang gaya ng pagpapalakas ng kakayahang kompetitibo ng bansa, pagpapaunlad ng yamang-manggagawa, paggarantiya sa pagkakapantay-pantay ng lipunan, pagtataguyod ng green-eonomy, at pagpapabuti ng kakayahan ng pangangasiwa. Patuloy na igigiit ng Thailand ang ideyang "Sufficiency Economy Philosophy" upang mapaunlad ang bansa sa paraang matatag, masagana, at sustenable, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng