Binigyang-diin Sabado, Marso 18, 2017 sa Baden-Baden ng Alemanya nina Xiao Jie, Ministro ng Pananalapi ng Tsina, at Steven Mnuchin, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika, na dapat ibayo pang pahigpitin ng dalawang bansa ang kooperasyong pangkabuhayan.
Dumalo sila sa pulong ng mga ministrong pinansiyal at gobernador ng bangko sentral ng G20.
Sinang-ayunan nilang pahigpitin ang pag-uugnayan hinggil dito.
Ipinahayag nilang ang kooperasyong pangkabuhayan ay nakakabuti, hindi lamang sa kanilang sarili, kundi sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.