Nagtagpo Sabado, Marso 18, 2017 sa Beijing sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at Rex Tillerson, Kalihim ng Estado ng Amerika.
Buong pagkakaisang ipinahayag nila na dapat magkasamang magsikap ang dalawang bansa para iskatuparan ang mga narating na komong palagay nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Donald Trump ng Amerika at pasulungin ang kanilang kooperasyon sa mga larangan na gaya ng diplomasya, seguridad, kultura, internet, kabuhayan at kalakalan.
Inilahad ni Wang ang paninindigang Tsino sa mga isyu na gaya ng Taiwan Strait at South China Sea. Binigyang-diin ni Wang na dapat igalang ng dalawang bansa ang nukleong kapakanan sa isa't isa at maayos na hawakan ang mga sensatibong isyu.
Nagpalitan din sila ng palagay hinggil sa kalagayan ng Korean Peninsula, at ibang mga isyung pandaigdig at panrehiyon. Inulit ni Wang ang pagtutol sa pagdedeploy ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) sa Timog Korea.