Kinatagpo ngayong araw, Marso 19, 2017 sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Rex Tillerson, Kalihim ng Estado ng Amerika.
Sinabi ni Xi na umaasa siyang mapapahigpit ng dalawang bansa ang pagpapalagayan sa iba't ibang antas, mapapalawak ang kooperasyon sa iba't ibang larangan, maayos na hahawakan at kokontrolin ang mga sensatibong isyu, para pasulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Sinabi ni Tillerson na nakahanda ang Amerika na pasulungin ang relasyon sa Tsina batay sa prinsipyo ng di-komprontasyon, paggalang sa isa't isa at mutuwal na kapakinabangan, para magkasamang harapin ang mga pandaigdigang hamon.