Vientiane — Sa ngalan ng kani-kanilang pamahalaan, lumagda nitong Miyerkules, Marso 22, 2017, si Peng Youdong, Pangalawang Puno ng Pambansang Kawanihan ng Panggugubat ng Tsina, at Thongphat Vongmany, Pangalawang Ministro ng Panggugubat ng Laos sa Memorandum of Understanding (MOU) kung saan nagkasundo ang dalawang bansa sa pagpapalakas ng kanilang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa larangang panggugubat.
Ayon sa nasabing MOU, isasagawa ng dalawang bansa ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng paglilikha ng kagubatan, pangangalaga sa kagubatan, sustenableng pag-unlad ng kagubatan, pagpigil ng sunog sa kagubatan, pangangalaga sa mga wild animals, pagpapatupad ng batas at pamamahala sa kagubatan, at paggagalugad at kalakalan ng mga produktong panggugubat.
Ipinahayag ng panig Lao ang kahandaang pag-aralan ang karanasan ng panig Tsino upang ibayo pang mapalakas ang pamamahala sa panggugubat.
Salin: Li Feng