Nag-usap kahapon, Marso 27, 2017 dito sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Hery Rajaonarimampianina ng Madagascar.
Sinabi ni Xi na malaki ang potensyal ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at Madagascar. Tinatanggap ng Tsina ang aktibong paglahok ng Madagascar sa "Belt and Road" Initiative, at nakahandang kumatig sa Madagascar sa papel nito bilang tulay na nag-uugnay sa "Belt and Road" at Aprika.
Pinapurihan ni Rajaonarimampianina ang talumpati ni Pangulong Xi Jinping sa Davos Forum, at kinakatigan ang "Belt and Road" Initiative. Umaasang ang dalawang bansa na palakasin ang kooperasyon sa enerhiya, abiyasyon, transportasyon at iba pang larangan. At nakahandang pahigpitin ang koordinasyon ng kanyang bansa at Tsina sa mga suliraning pandaigdig.
salin:Lele