Ipinahayag Biyernes, Enero 27, 2017 ni Elham Mahmood Ibrahim, Komisyoner ng Unyong Aprikano (AU) na namamahala sa Imprastruktura at Enerhiya, na kinakaharap ng konstruksyon ng imprastruktura sa Aprika ang mga malubhang hamon.
Sa ika-30 pulong ng Komisyon ng AU, sinabi niyang dapat buong sikap na lutasin ng mga kasaping bansa ang isyu ng kakulangan sa pondo at pahigpitin ang pangangasiwa at paghahanda para sa mga proyekto ng konstruksyon ng imprastruktura.
Upang lutasin ang isyu ng kakulangan sa pondo, iminungkahi niyang dapat hikayatin ng mga kasaping bansa ng AU ang mga pondo ng indibiduwal, maski ng ibang mga bansa.
Nanawagan din siya sa mga bansang Aprikano na bago ang pagtayo ng mga imprastruktura, dapat isagawa ng mga bansang Aprikano ang maayos na plano at lubos paghahanda para rito.
Binigyang-diin niyang umaasa ang AU na sa pamamagitan ng pagpapasulong ng konstruksyon ng mga imprastruktura, maisasakatuparan ang malakas, at pangmatagalang pag-unlad ng kabuhayang Aprikano.