Ipinahayag nitong Huwebes, Marso 30, 2017, ng Ministring Panlabas ng Hilagang Korea na inilapit na ng isinasagawang magkasanib na ensayong militar ng Amerika at Timog Korea ang Korean Peninsula sa digmaan. Dapat anitong isabalikat ng Amerika ang lahat ng responsibilidad ng posibleng magaganap na giyera doon.
Sinabi ni Sin Hong-chol, North Korean Deputy Foreign Minister, na walang anumang bansa sa daigdig ang nagnanais ng kamatayan. Una nang ipinahayag nitong Linggo ng panig militar ng Hilagang Korea na isasagawa nito ang lehitimong mga self-defense measure bilang isang sobernong bansa upang masawata ang lahat ng tangka ng mga kaaway.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Lunes ng Amerika na isang "provocative act" ang kaukulang pahayag ng panig militar ng Hilagang Korea.
Salin: Li Feng