|
||||||||
|
||
Ipinahayag Linggo, Pebrero 12, 2017, ng panig militar ng Timog Korea na mula sa North Phyongan Province, inilunsad, umaga ng araw na ito ng Hilagang Korea ang isang ballistic missile sa karagatan sa gawing hilaga ng Korean Peninsula. Ayon sa pagtaya ng Timog Korea, halos 500 kilometro ang haba ng tinahak ng nasabing missile. Kasalukuyang mataimtim na ina-analisa ng panig militar ng Timog Korea at Amerika ang mga kaukulang impormasyon.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pang anumang naiulat na impormasyon ang Hilagang Korea hinggil sa nasabing paglulunsad ng missile.
Noong Enero 8, 2017, ipinahayag ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Hilagang Korea na pumasok na sa huling yugto ang gawain ng paghahanda sa pagsubok-lunsad ng kanilang intercontinental ballistic missile. Mailulunsad anito ang missile sa anumang sandali.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |