Ayon sa Xinhua News Agency, idineklara ngayong araw, Marso 10, 2016, ng Hilagang Korea na mula ngayon, pinawalang-bisa ang lahat ng kasunduan ng kooperasyong pangkabuhayan sa pagitan ng Timog at Hilagang Korea.
Kinondena rin ng Hilagang Korea ang isinapublikong unilateral na sangsyon ng Pamahalaang Timog Koreano laban sa Hilagang Korea. Ipinahayag nito na kung "makikita ang di-karaniwang aksyon mula sa kaaway," isasagawa ng Hilagang Korea ang pre-emptive strike para mabigyang-dagok ang kaaway nito.
Noong Marso 8, 2016, isinapubliko ng Pamahalaang Timog Koreano ang unilateral na sangsyon laban sa Hilagang Korea. Ang nilalaman ng sangsyong ito ay mayroong 4 na aspektong kinabibilangan ng pinansya, transportasyon sa dagat, pag-aangkat at pagluluwas, at konsumo ng mga profit-making organization ng Hilagang Korea sa ibang bansa.
Salin: Li Feng